2022 COMMUNITY-BASED MONITORING SYSTEM (CBMS), MAGSISIMULA NA NGAYONG AGOSTO

Reference Number: 

2022-08-052-CT

Release Date: 

Wednesday, August 10, 2022

Isasagawa ngayong Agosto 2022 ang Community-Based Monitoring System (CBMS) sa pitong munisipyo sa Catanduanes – Baras, Bato, Caramoran, Gigmoto, Panganiban, San Andres at San Miguel. Pangungunahan ito ng Philippine Statistics Authority (PSA) Catanduanes Provincial Statistical Office kasama ang mga lokal na gobyerno. Ang CBMS ay layong ma-interview ang bawat sambahayan o household tungkol sa kanilang demographic at socio-economic characteristics kabilang ang mga sumusunod: kalusugan, nutrisyon, istruktura ng bahay, pinagkukunan ng malinis na tubig, pasilidad para sa palikuran, edukasyon, kakayahang bumasa at sumulat, partisipasyon sa komunidad, mga trabaho, maging ang seguridad at kaligtasan sa kanilang komunidad.

Ang mga datos na makukuha sa CBMS ay gagamitin bilang basehan sa mga sumusunod: 1) pagsukat sa tunay na kalagayan ng pamumuhay sa mga sambahayan; 2) makagawa ng mga tamang plano at programa ang pamahalaan para matugunan ang kahirapan; 3) malaman ang mga dapat na benepisyaryo sa mga social protection program ng gobyerno.

Sa mga munisipyong kasali sa CBMS, may 150 enumerators (EN), 26 Team Supervisors (TS), 11 CBMS Area Supervisors (CBMS) at 7 Head CBMS Area Supervisors (HCAS) ang iikot at magba-bahay bahay sa kada barangay para makuha ang mga impormasyon sa pamamagitan ng personal na pag-interbyu.

Ang mga nasambit na field personnel ay sumailalim sa masusing training sa loob ng walong araw upang lubos na maintindihan ang mga konsepto ng CBMS, wastong pag-interview at paggamit ng mga mobile application para sa isasagawang house-to-house interview.
Ang pagkuha ng impormasyon ay isasagawa sa pamamagitan ng Computer-Assisted Personal Interviewing (CAPI). Ito ay ang face-to-face interview o personal na pakikipag-usap sa responsableng miyembro ng sambahayan gamit ang Household Profile Questionnaire o HPQ na nakapaloob na sa mga tablet.

Ang PSA at Local Government Units (LGUs) ay iniimbitahan ang lahat na makiisa sa gagawing CBMS data collection na magsisimula na ngayong Agosto 2022. Ito ay alinsunod sa Republic Act No. 11315 o The Community-Based Monitoring System Act na nilagdaan para noong 17 Abril 2022 ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Swak na Datos Para sa Komunidad na Mas Maayos – CBMS, Para sa Atin β€˜to!

Tags: