Skip to main content
Release Date :
Reference Number :
2025 - 07

Ang headline inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa probinsya ng Camarines Sur ay bumagal sa antas na 2.1 percent nitong Marso 2025, mula sa antas na 2.5 percent inflation noong Pebrero 2025 at 3.7 percent naman noong Marso 2024. Ang average inflation ay naitala sa antas na 2.6 percent.

Ang Bottom 30% Income Households ay nagtala ng 1.0 percent Inflation mula sa antas na 1.6 percent Inflation noong Pebrero 2025, at 5.2 percent Inflation noong Marso 2024. (Figure 1, and Table 1).

Major Source of Deceleration of the March 2025 Inflation

Ang pangunahing dahilan ng mas mababa na antas ng inflation nitong Marso 2025 kaysa noong Pebrero 2024 ay ang mas mabagal na pagtaas ng presyo ng Food and Non-Alcoholic Beverages. Ito ay nagtala ng 0.7 percent inflation, at 88.6 percent share sa pagbaba ng antas ng inflation sa probinsya. Ang nag-ambag sa pagbaba ng inflation ng Food and Non-Alcoholic Beverages ay ang mas mabagal na pagtaas ng Cereals particular na ang bigas na may -13.9 percent inflation mula -0.9 percent inflation noong Pebrero 2024.

Ang pangalawang dahilan ng mas mababa na antas ng inflation nitong Marso 2025 kaysa noong Pebrero 2024 ay ang mas mabagal na pagtaas sa presyo ng Transport. Ang commodity group na ito ay nagtala ng -2.3 percent inflation at 7.4 percent share sa pagbaba ng antas ng inflation sa probinsya. Ang nag-ambag ng malaki sa pagbaba ng inflation para sa commodity group na ito ay ang mas mabagal na pagtaas ng presyo ng Fueld and lubricants for personal transport equipment, 
particular na ang Gasoline na may -11.7 percent inflation mula sa -7.3 percent inflation noong Pebrero 2024.

Ang pangatlong dahilan ng mas mababa na antas ng inflation nitong Marso 2025 kaysa noong Pebrero 2024 ay ang mas mabagal na pagtaas ng presyo ng Clothing and Footwear, na nagtala ng 6.2 percent inflation at 2.4 percent share sa pagbaba ng antas ng inflation sa probinsya. Ang nag-ambag ng malaki sa pagbaba ng antas ng inflation sa commodity group na ito ay ang mas mabagal na pagtaas sa presyo ng Garments na may 8.2 percent inflation mula 9.1 percent inflation 
noong Pebrero 2024.

Major Contributor to the March 2025 Inflation

Pagdating sa pangkalahatang inflation sa probinsya nitong Marso 2025, ang pangunahing commodity group na nag-ambag sa inflation ay ang Housing, Water, Electricity, Gas and Other Fuels na may 5.3 percent inflation at 44.4 percent share.

Ang mga pangkat ng pagkain na pangunahing nag-ambag sa inflation ng Housing, Water, Electricity, Gas and Other Fuels ay ang mga sumusunod:
        • Actual Rentals for Housing na may 6.3 percent inflation; at 
     • Electricity, Gas and Other Fuels, na may 3.9 percent inflation, particular dito ang butane, propane, etc.

Ang pangalawang commodity group na may pinakamalaking ambag sa pangkalahatang inflation nitong Marso 2025 ay ang Food and Non-Alcoholic Beverages na may 0.7 percent inflation at 16.0 percent share. Ang pangunahing nag-ambag sa inflation ng Food and Non-Alcoholic Beverages ay ang Vegetables, tubers, plantains, cooking bananas and pulses na may 26.0 percent inflation noong Marso 2025.

Ang Restaurants and Accommodation Services ang pangatlo sa may pinakamalaking ambag sa pangkalahatang inflation nitong Marso 2025. Ang commodity group na ito ay nagtala ng 6.5 percent inflation at 14.8 percent share sa pangkalahatang inflation. Ang pangunahing nag-ambag sa inflation ng Restaurants and Accommodation Services ay ang Food and Beverage Serving Services tulad ng Restaurants at Cafe, na may 6.5 percent inflation.

Inflation Rate by Major Commodity Groups

Sa labintatlong (13) commodity groups, apat ang nagpakita ng mas mabagal na pagtaas ng inflation nitong Marso 2025. Ito ay ang mga sumusunod:
     • Food and Non-Alcoholic Beverages, na may 0.7 percent inflation;
     • Alcoholic Beverages and Tobacco, na may 2.7 percent inflation;
     • Clothing and Footwear, na may 6.2 percent inflation; at
     • Transport, na may -2.3 percent inflation.

Samantala, nagtala ng mas mabilis na pagtaas ng presyo nitong Marso 2025 ang mga sumusunod:
     • Housing, Water, Electricity, Gas and Other Fuels, na may 5.3 percent inflation;
    • Furnishings, Household Equipment and Routine Household Maintenance, na may 3.0 percent inflation;
     • Health, na may 4.3 percent inflation;
     • Restaurants and Accommodation Services, na may 6.5 percent inflation; at
     • Personal Care, and Miscellaneous Goods and Services, na may 2.3 percent inflation.

Nanatili naman sa kanilang antas ng inflation noong Marso 2025 ang mga sumusunod:
     • Information and Communication, na may 0.8 percent inflation;
     • Recreation, Sports, and Culture, na may 3.1 percent inflation;
     • Education Services, na may 2.7 percent inflation; at
     • Financial Services, na may zero percent inflation.

Inflation Rates for the Provinces in Bicol Region (All Income)

Ang pinakamataas na inflation sa mga probinsya sa Bicol Region nitong Marso 2025 ay naitala sa Catanduanes na may 3.3 percent inflation, mula sa 3.5 percent inflation noong Pebrero 2024. Samantala, ang pinakamababang inflation sa mga probinsya sa Bicol Region nitong Marso 2025 ay naitala sa Camarines Norte na may 1.4 percent inflation, mula sa 2.0 percent inflation noong 
Pebrero 2024.

Lahat ng probinsya sa Bicol Region ay nagtala ng mabagal na pagtaas ng inflation rates nitong Marso 2025.
     • Albay, na may 2.0 percent inflation;
     • Camarines Norte, na may 1.4 percent inflation;
     • Camarines Sur, na may 2.1 percent inflation;
     • Catanduanes, na may 3.3 percent inflation;
     • Masbate, na may 3.1 percent inflation; at
     • Sorsogon, na may 1.6 percent inflation.

Ang CPI ay isang sukatan ng mga pagbabago ng antas ng presyo ng mga produkto at serbisyo na binibili ng karamihan sa mga tao para sa kanilang pang-araw-araw na pagkonsumo.

Consumer Price Index Press Release March 2025

Ang headline inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa probinsya ng Camarines Sur ay bumagal sa antas na 2.1 percent nitong Marso 2025, mula sa antas na 2.5 percent inflation…

PSA Camarines Sur Joins the City Government of Naga’s “Forest in our Midst “(FOM) Program

The Philippine Statistics Authority Camarines Sur Provincial Statistical Office, in partnership with the City Government of Naga, conducted a Tree Planting Activity on April 11, 2025, at San Felipe,…