Skip to main content

Consumer Price Index Press Release July 2024

Release Date:
Reference Number: 2024-05

 

 

Ang headline inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa probinsya ng Camarines Sur ay bumagal sa antas na 4.8 percent nitong Hulyo 2024, mula sa antas na 5.5 percent inflation noong Hunyo 2024, at 4.2 percent naman noong Hulyo 2023. Ang average inflation mula Enero 2024 hanggang Hulyo 2024 ay naitala sa antas na 4.0 percent.

 


Major Source of Deceleration of the July 2024 Inflation

Ang pangunahing dahilan ng mas mababa  na antas ng inflation nitong Hulyo 2024 kaysa noong Hunyo 2024 ay ang mas mabagal na pagtaas ng presyo ng Housing, Water, Electricity, Gas and Other Fuels. Ang commodity group na ito ay nagtala ng 5.1 percent inflation at 94.8 percent share sa pagtaas ng pangkalahatang inflation sa probinsya. Ang nag-ambag ng malaki sa pagbaba  ng inflation para sa commodity group na ito ay ang mas mabagal na pagtaas ng presyo ng ng Kuryente na may -40.5 percent inflation mula sa -3.0 percent inflation noong Hunyo 2024.

Ang pangalawang dahilan ng mas mababang antas ng inflation nitong Hulyo 2024 kaysa noong Hunyo 2024 ay ang mas mabagal na pagtaas ng presyo ng Clothing and Footwear. Ito ay nagtala ng 8.6 percent inflation, at 2.8 percent share sa pagbaba ng pangkalahatang inflation sa probinsya. Ang nag-ambag sa pagbaba ng inflation ng Clothing and Footwear ay ang mas mabagal na pagtaas ng presyo ng Garments na may 11.0 percent inflation mula 12.9 percent inflation noong Hunyo 2024.

Ang pangatlong dahilan ng mas mababa na antas ng inflation nitong Hulyo 2024 kaysa noong Hunyo 2024 ay ang mas mabagal na pagtaas ng presyo ng Information and Communication na nagtala ng 8.3 percent inflation at 1.5 percent share sa pagbaba ng pangkalahatang inflation sa probinsya. Ang nag-ambag ng malaki sa pagbaba ng Information and Communication ay ang mas mabagal na pagtaas ng presyo ng Mobile Communication Services na may 13.2 percent inflation mula sa 14.3 percent inflation noong Hunyo 2024.

Major Contributor to the July 2024 Inflation

Pagdating sa overall inflation nitong Hulyo 2024, ang pangunahing commodity group na nag-ambag sa antas ng inflation ay ang Food and Non-Alcoholic Beverages na may 8.9 percent inflation at 86.5 percent share.

Ang mga pangkat ng pagkain na pangunahing nag-ambag sa inflation ng Food and Non-Alcoholic Beverages ay ang mga sumusunod:
     • Cereals and Cereal Products, 23.6 percent inflation;
     • Meat and others, 6.2 percent inflation;
     • Vegetables, tubers, plantains, cooking bananas and pulses, na may 3.8 percent inflation.

Ang pangalawang commodity group na may pinakamalaking ambag sa pangkalahatang inflation nitong Hulyo 2024 ay ang Transport na may 9.6 percent inflation at 13.9 percent share. Ang pangunahing nag-ambag sa inflation ng Transport ay ang Passenger transport by road na may 13.5 percent inflation.

Ang Clothing and Footwear ang pangatlo sa may pinakamalaking ambag sa pangkalahatang inflation nitong Hulyo 2024. Ang commodity group na ito ay nagtala ng 8.6 percent inflation at 6.0 percent share sa pangkalahatang inflation. Ang pangunahing nag-ambag sa inflation ng Clothing and Footwear ay ang Garments, na may 11.0 percent inflation.

Inflation Rate by Major Commodity Groups 

Sa labintatlong (13) commodity groups, lima ang nagpakita ng mas mabagal na pagtaas ng inflation nitong Hulyo 2024. Ito ay ang mga sumusunod: 
     • Clothing and Footwear, na may 8.6 percent inflation;  
     • Housing, Water, Electricity, Gas and Other Fuels, na may -5.1 percent inflation;  
     • Furnishings, Household Equipment and Routine Household Maintenance, na may 2.1 percent    inflation; 
     • Health, na may 0.8 percent inflation; at 
     • Information and Communication, na may 8.3 percent inflation. 

Samantala, nagtala ng mas mabilis na pagtaas ng presyo nitong Hulyo 2024 ang mga sumusunod na commodity groups: 
     • Food and Non- Alcoholic Beverages na may 8.9 percent inflation;
     • Transport, na may 9.6 percent inflation;
     • Recreation, Sport and Culture, na may 2.7 percent inflation;
     • Education Services, na may 3.3 percent inflation; at
     • Personal Care, and Miscellaneous Goods and Services, na may 2.3 percent inflation.

Nanatili naman sa kanilang antas ng inflation noong Hunyo 2024 ang mga sumusunod: 
     • Alcoholic Beverages and Tobacco, na may 2.8 percent inflation;
     • Restaurants and Accommodation Services, na may 2.0 percent inflation; at
     • Financial Services, na may zero percent inflation.

Inflation Rates for the Provinces in Bicol Region

Ang pinakamataas na inflation sa mga probinsya sa Bicol Region nitong Hulyo 2024 ay naitala sa Masbate na may 6.0 percent inflation, mula sa 5.4 percent inflation noong Hunyo 2024. Samantala, ang pinakamababang inflation sa mga probinsya sa Bicol Region nitong Hulyo 2024 ay naitala sa Sorsogon na may 1.1 percent inflation, mula sa 2.2 percent inflation noong Hunyo 2024.

Kung ihahambing sa inflation na naitala sa mga probinsya sa Bicol Region noong Hulyo 2024, apat probinsya ang nagtala ng mabagal na pagtaas ng inflation rates nitong  Hulyo 2024. Ito ang:
     • Albay, na may 4.4 inflation
     • Camarines Norte, na may 4.8 percent inflation;
     • Catanduanes, na may 5.6 percent inflation; at
     • Masbate, na may 6.0 percent inflation.

Samantala, ang probinsya ng Camarines Sur at Sorsogon ay nagtala ng mas mabagal na pagtaas ng inflation rate nitong Hulyo 2024 sa antas na 4.8 percent at 1.1 percent.

 

 

 

Ang CPI ay isang sukatan ng mga pagbabago ng antas ng presyo ng mga produkto at serbisyo na binibili ng karamihan sa mga tao para sa kanilang pang-araw-araw na pagkonsumo.