Skip to main content

Consumer Price Index Press Release May 2024

Release Date:
Reference Number: 2024-03

Ang headline inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa probinsya ng Camarines Sur ay bumagal sa antas na 3.4 percent nitong Mayo 2024, mula sa antas na 3.5 percent inflation noong Abril 2024, at 7.2 percent naman noong Abril 2023. Ang average inflation mula Enero 2024 hanggang Mayo 2024 ay naitala sa antas na 3.5 percent. (Figure 1, and Table 1)

 

 

Mabagal na pagtaas ng presyo ng Food and Non-alcoholic Beverages, dahilan ng mas mababang antas ng inflation noong buwan ng Mayo 2024

Ang pangunahing dahilan ng mas mababang antas ng inflation nitong Mayo 2024 kumpara noong Abril 2024 ay ang mas mabagal na pagtaas ng presyo ng Food and Non-alcoholic Beverages. Ang commodity group na ito ay nagtala ng 5.7 percent inflation at 90.6 percent share sa pagbaba ng pangkalahatang inflation sa probinsya.

Ang nag-ambag ng malaki sa pagbaba ng inflation para sa Food and Non-alcoholic Beverages ay ang mas mabagal na pagtaas ng presyo ng Cereals at Cereals Products na may 23.0 percent inflation mula 27.4 percent inflation na naitala noong Abril 2024. Nakaambag din sa pagbaba ng inflation para sa Food and Non-alcoholic Beverages ay ang mabagal na pagtaas ng presyo ng Fruits and nuts na may -5.0 percent inflation mula sa 3.1 percent inflation noong Abril 2024. Nagtala din ng mas mabagal na pagtaas ng presyo ang Milk, Other Dairy Products and Eggs sa antas na -2.1 percent.

Ang pangalawang dahilan ng mas mababa na antas ng Inflation nitong Mayo 2024 kaysa noong Abril 2024 ay ang mas mabagal na pagtaas ng presyo ng Alcoholic Beverages and Tobacco. Ito ay nagtala ng 2.7 percent inflation, at 5.9 percent share sa pagbaba ng pangkalahatang inflation sa probinsya. Ang nag-ambag ng malaki sa pagbaba ng inflation ng Alcoholic Beverages and Tobacco ay ang mas mabagal na pagtaas ng presyo ng Tobacco na may 1.9 percent inflation.

Ang pangatlong dahilan ng mas mababang antas ng inflation nitong Mayo 2024 kaysa noong Abril 2024 ay ang mas mabagal na pagtaas ng presyo ng Health na nagtala ng 0.8 percent inflation at 2.1 percent share sa pagbaba ng pangkalahatang inflation sa probinsya. Ang nag-ambag ng malaki sa pagbaba ng Health ay ang mas mabagal na pagtaas ng presyo ng Medicines na may 1.0 percent inflation.

Major Contributor to the May 2024 Inflation

Pagdating sa overall inflation nitong Mayo 2024, ang pangunahing commodity group na nagambag sa antas ng inflation ay ang Food and Non-Alcoholic Beverages na may 5.7 percent inflation at 77.9 percent share.
 
Ang mga pangkat ng pagkain na pangunahing nag-ambag sa inflation ng Food and Non-Alcoholic Beverages ay ang mga sumusunod: 
     • Cereals and Cereal Products, 23.0 percent inflation; 
     • Meat and others, 4.0 percent inflation; 
     • Ready-made food and other food products N.E.C, na may 3.6 percent inflation.

Ang pangalawang commodity group na may pinakamalaking ambag sa pangkalahatang inflation nitong Mayo 2024 ay ang Transport na may 10.2 percent inflation at 20.8 percent share. Ang pangunahing nag-ambag sa inflation ng Transport ay ang Passenger transport by road na may 13.5 percent inflation. Nag-ambag din sa inflation ng Transport ang Gasoline na may 4.9 percent inflation.

Ang Clothing and Footwear ang pangatlo sa may pinakamalaking ambag sa pangkalahatang inflation nitong Mayo 2024. Ang commodity group na ito ay nagtala ng 8.7 percent inflation at 8.6 percent share sa pangkalahatang inflation. Ang pangunahing nag-ambag sa inflation ng Clothing and Footwear ay ang Garments, na may 11.6 percent inflation. 

Inflation Rate by Major Commodity Groups

Sa labintatlong (13) commodity groups, lima ang nagpakita ng mas mabagal na pagtaas ng inflation nitong Mayo 2024. Ito ay ang mga sumusunod: 
     • Food and Non- Alcoholic Beverages na may 5.7 percent inflation; 
     • Alcoholic Beverages and Tobacco, na may 2.7 percent inflation;  
     • Health, na may 0.8 percent inflation;  
     • Recreation, Sports, and Culture, na may 2.5 percent inflation; at 
     • Personal Care, and Miscellaneous Goods and Services, na may 2.0 percent inflation.  

Samantala, nagtala ng mas mabilis na pagtaas ng presyo nitong Mayo 2024 ang mga sumusunod 
na commodity groups: 
     • Clothing and Footwear, na may 8.7 percent inflation; 
     • Housing, Water, Electricity, Gas and Other Fuels, na may -4.8 percent inflation;  
     • Furnishings, Household Equipment and Routine Household Maintenance, na may 2.5 percent             inflation; 
     • Transport, na may 10.2 percent inflation; at 
     • Information and Communication, na may 8.9 percent inflation.  

Nanatili naman sa kanilang antas ng inflation noong Abril 2024 ang mga sumusunod: 
     • Education Services, na may 2.6 percent inflation; 
     • Restaurants and Accomodation Services, na may 2.0 percent inflation; at 
     • Financial Services, na may zero percent inflation.
 

 

Inflation Rates for the Provinces in Bicol Region

Ang pinakamataas na inflation sa mga probinsya sa Bicol Region nitong Mayo 2024 ay naitala sa Masbate na may 4.6 percent inflation, mula sa 5.2 percent inflation noong Abril 2024. Samantala, ang pinakamababang inflation sa mga probinsya sa Bicol Region nitong Mayo 2024 ay naitala sa Sorsogon na may 2.8 percent inflation, mula sa 2.2 percent inflation noong Abril 2024.

Kung ihahambing sa inflation na naitala sa mga probinsya sa Bicol Region noong Abril 2024, tatlong probinsya ang nagtala ng mabagal na pagtaas ng inflation rates nitong  Mayo 2024. Ito ang: 
     • Camarines Sur, na may 3.4 percent inflation; 
     • Catanduanes, na may 4.5 percent inflation;at 
     • Masbate, na may 4.6 percent inflation. 

Samantala, ang probinsya ng Sorsogon ay nagtala ng mas mabilis na pagtaas ng inflation rate nitong Mayo 2024 sa antas na 2.8 percent. 

Nagtala naman ng parehas na inflation rate kumpara noong Abril 2024 ang Albay na may 3.6 percent inflation at ang Camarines Norte na may 4.2 percent inflation.  
 

 

 

 

Ang CPI ay isang sukatan ng mga pagbabago ng antas ng presyo ng mga produkto at serbisyo na binibili ng karamihan sa mga tao para sa kanilang pang-araw-araw na pagkonsumo.