Skip to main content

Consumer Price Index Press Release August 2024

Release Date:
Reference Number: 2024-008

Ang headline inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa probinsya ng Camarines Sur ay bumilis sa antas na 5.4 percent nitong Agosto 2024, mula sa antas na 4.8 percent inflation noong Hulyo 2024, at 3.9 percent naman noong Agosto 2023. Ang average inflation mula Enero 2024 hanggang Agosto 2024 ay naitala sa antas na 4.2 percent. (Figure 1, and Table 1)

Major Source of Acceleration of the August 2024 Inflation

Ang pangunahing dahilan ng mas mataas  na antas ng inflation nitong Agosto 2024 kaysa noong Hulyo 2024 ay ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng Housing, Water, Electricity, Gas and Other Fuels. Ang commodity group na ito ay nagtala ng 4.5 percent inflation at 95.4 percent share sa pagtaas ng pangkalahatang inflation sa probinsya. Ang nag-ambag ng malaki sa pagtaas  ng inflation para sa commodity group na ito ay ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng ng Kuryente na may 21.5 percent inflation mula sa -40.5 percent inflation noong Hulyo 2024.

Ang pangalawang dahilan ng mas mataas na antas ng inflation nitong Agosto 2024 kaysa noong Hulyo 2024 ay ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng Education Services. Ito ay nagtala ng 5.4 percent inflation, at 2.3 percent share sa pagtaas ng pangkalahatang inflation sa probinsya. Ang nag-ambag sa pagtaas ng inflation ng Education Services ay ang mas mabilis na pagtaas ng Tertiary Education na may 7.6 percent inflation mula 3.9 percent inflation noong Hulyo 2024.

Ang pangatlong dahilan ng mas mataas na antas ng inflation nitong Agosto 2024 kaysa noong Hulyo 2024 ay ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng Personal Care, and Miscellaneous Goods and Services na nagtala ng 2.8 percent inflation at 1.0 percent share sa pagtaas ng pangkalahatang inflation sa probinsya.

Ang nag-ambag ng malaki sa pagtaas ng Personal Care, and Miscellaneous Goods and Services ay ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng Other appliances, articles and products for personal care na may 2.9 percent inflation. 

Major Contributor to the August 2024 Inflation

Pagdating sa overall inflation nitong Agosto 2024, ang pangunahing commodity group na nag-ambag sa antas ng inflation ay ang Food and Non-Alcoholic Beverages na may 6.6 percent inflation at 55.7 percent share.

Ang mga pangkat ng pagkain na pangunahing nag-ambag sa inflation ng Food and Non-Alcoholic Beverages ay ang mga sumusunod: 
     • Cereals and Cereal Products, 19.5 percent inflation, particular dito ang bigas; 
     • Meat and others, 6.1 percent inflation, particular ang karne ng baboy; at 
     • Milk, other dairy products and eggs , na may 2.5 percent inflation, tulad ng powdered milk.

Ang pangalawang commodity group na may pinakamalaking ambag sa pangkalahatang inflation nitong Agosto 2024 ay ang Housing, Water, Electricity, Gas and Other Fuels na may 4.5 percent inflation at 16.7 percent share. Ang pangunahing nag-ambag sa inflation ng Housing, Water, Electricity, Gas and Other Fuels ay ang Kuryente na may 21.5 percent inflation mula sa -40.5 percent inflation noong Hulyo 2024.

Ang Transport ang pangatlo sa may pinakamalaking ambag sa pangkalahatang inflation nitong Agosto 2024. Ang commodity group na ito ay nagtala ng 6.5 percent inflation at 8.2 percent share sa pangkalahatang inflation. Ang pangunahing nag-ambag sa inflation ng Transport ay ang Passenger transport by road, na may 13.5 percent inflation.

Inflation Rate by Major Commodity Groups

Sa labintatlong (13) commodity groups, lima ang nagpakita ng mas mabilis na pagtaas ng inflation nitong Agosto 2024. Ito ay ang mga sumusunod:

     • Alcoholic Beverages and Tobacco, na may 2.9 percent inflation;  
     • Housing, Water, Electricity, Gas and Other Fuels, na may 4.5 percent inflation; 
     • Health, na may 1.1 percent inflation;  
     • Recreation, Sports, and Culture, na may 3.9 percent inflation; 
     • Education Services, na may 5.4 percent inflation; at 
     • Personal Care, and Miscellaneous Goods and Services, na may 2.8 percent inflation

Samantala, nagtala ng mas mabagal na pagtaas ng presyo nitong Agosto 2024 ang mga 
sumusunod na commodity groups:
     • Food and Non-Alcoholic Beverages, na may 6.6 percent inflation; 
     • Clothing and Footwear, na may 7.7 percent inflation; 
     • Furnishings, Household Equipment and Routine Household Maintenance, na may 1.9 percent 
        inflation;
     • Transport, na may 6.5 percent inflation; at 
     • Information and Communication, na may 7.8 percent inflation.

Nanatili naman sa kanilang antas ng inflation noong Hulyo 2024 ang mga sumusunod: 
     • Restaurants and Accommodation Services, na may 2.0 percent inflation; at 
     • Financial Services, na may zero percent inflation.
 

Inflation Rates for the Provinces in Bicol Region

Ang pinakamataas na inflation sa mga probinsya sa Bicol Region nitong Agosto 2024 ay naitala sa Masbate na may 5.9 percent inflation, mula sa 6.0 percent inflation noong Hulyo 2024. Samantala, ang pinakamababang inflation sa mga probinsya sa Bicol Region nitong Agosto 2024 ay naitala sa Sorsogon na may 2.0 percent inflation, mula sa 1.3 percent inflation noong Hulyo 2024.

Kung ihahambing sa inflation na naitala sa mga probinsya sa Bicol Region noong Agosto 2024, apat na probinsya ang nagtala ng mabagal na pagtaas ng inflation rates nitong  Agosto 2024. Ito ang:
     • Albay, na may 3.6 percent inflation;
     • Camarines Norte, na may 2.9 percent inflation;
     • Catanduanes, na may 4.0 percent inflation; at
     • Masbate, na may 5.9 percent inflation.

Samantala, ang probinsya ng Camarines Sur at Sorsogon ay nagtala ng mas mabilis na pagtaas ng inflation rate nitong Agosto 2024 sa antas na 5.4 percent at 2.0 percent.

 

Ang CPI ay isang sukatan ng mga pagbabago ng antas ng presyo ng mga produkto at serbisyo na binibili ng karamihan sa mga tao para sa kanilang pang-araw-araw na pagkonsumo.