Skip to main content
Release Date :
Reference Number :
2025 - 001

Headline Inflation sa Camarines Sur, bumagal sa antas na 2.1 percent nitong Disyembre 2024

 

Ang headline inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa probinsya ng Camarines Sur ay bumagal sa antas na 2.1 percent nitong Disyembre 2024, mula sa antas na 3.9 percent inflation noong Disyembre 2024, at 5.3 percent naman noong Disyembre 2023. Ang average inflation mula Enero 2024 hanggang Disyembre 2024 ay naitala sa antas na 4.1 percent.

Ang Bottom 30% Income Households ay nagtala ng 1.8 percent Inflation mula sa antas na 5.3 percent Inflation noong Disyembre 2024, at 4.7 percent Inflation noong Disyembre 2023. (Figure 1, and Table 1).

Major Source of Deceleration of the November 2024 Inflation

Ang pangunahing dahilan ng mas mababang antas ng inflation nitong Disyembre 2024 kaysa noong Nobyembre 2024 ay ang mas mabagal na pagtaas ng presyo ng Food and Alcoholic Beverages. Ito ay nagtala ng 2.6 percent inflation, at 64.7 percent share sa pangkalahatang inflation sa probinsya. Ang nag-ambag sa pagbaba ng inflation ng Food and Alcoholic Beverages ay ang mas mabagal na pagtaas ng Bigas na may -3.8 percent inflation mula 6.4 percent inflation noong Nobyembre 2024.

Ang pangalawang dahilan ng mas mababa na antas ng inflation nitong Disyembre 2024 kaysa noong Nobyembre 2024 ay ang mas mabagal na pagtaas ng presyo ng Housing, Water, Electricity, Gas and Other Fuels. Ang commodity group na ito ay nagtala ng -0.5 percent inflation at 33.3 percent share sa pagtaas ng pangkalahatang inflation sa probinsya. Ang nag-ambag ng malaki sa pagtaas ng inflation para sa commodity group na ito ay ang mas mabagal na pagtaas ng presyo ng Kuryente na may -12.1 percent inflation mula sa 15.6 percent inflation noong Nobyembre 2024.

Ang pangatlong dahilan ng mas mababa na antas ng inflation nitong Disyembre 2024 kaysa noong Nobyembre 2024 ay ang mas mabagal na pagtaas ng presyo ng Personal Care, and Miscellaneous Goods and Services na nagtala ng 2.0 percent inflation at 1.4 percent share sa pagtaas ng pangkalahatang inflation sa probinsya. Ang nag-ambag ng malaki sa pagtaas ng Personal Care, and Miscellaneous Goods and Services ay ang mas mabagal na pagtaas ng presyo ng Other appliances, articles and products for personal care na may 2.0 percent inflation mula 2.9 percent inflation noong Nobyembre 2024.

Major Contributor to the December 2024 Inflation

Pagdating sa overall inflation nitong Disyembre 2024, ang pangunahing commodity group na nag-ambag sa antas ng inflation ay ang Food and Non-Alcoholic Beverages na may 2.6 percent inflation at 57.5 percent share.

Ang mga pangkat ng pagkain na pangunahing nag-ambag sa inflation ng Food and Non-Alcoholic Beverages ay ang mga sumusunod:
     • Meat and other parts of slaughtered land animals, 8.6 percent inflation, particular ang karne ng         baboy;
     • Fish and other seafood, na may 5.8 percent inflation, particular dito ang isda; at
     • Vegetables, tubers, plantains, cooking bananas and pulses na may 6.8 percent inflation

Ang pangalawang commodity group na may pinakamalaking ambag sa pangkalahatang inflation nitong Disyembre 2024 ay ang Transport na may 3.6 percent inflation at 11.9 percent share. Ang pangunahing nag-ambag sa inflation ng Transport ay ang Passenger transport by road tulad ng jeep na may 8.2 percent inflation noong Nobyembre 2024.

Ang Clothing and Footwear ang pangatlo sa may pinakamalaking ambag sa pangkalahatang inflation nitong Disyembre 2024. Ang commodity group na ito ay nagtala ng 7.2 percent inflation at 11.5 percent share sa pangkalahatang inflation. Ang pangunahing nag-ambag sa inflation ng Clothing and Footwear ay ang Damit, na may 9.3 percent inflation.

Inflation Rate by Major Commodity Groups

Sa labintatlong (13) commodity groups, anim ang nagpakita ng mas mabagal na pagtaas ng inflation nitong Disyembre 2024. Ito ay ang mga sumusunod:
     • Food and Non-Alcoholic Beverages, na may 2.6 percent inflation;
     • Alcoholic Beverages and Tobacco, na may 2.2 percent inflation;
     • Housing, Water, Electricity, Gas and Other Fuels, na may -0.5 percent inflation;
     • Furnishings, Household Equipment and Routine Household Maintenance, na may 2.6 percent             inflation; at
     • Personal Care, and Miscellaneous Goods and Services, na may 2.0 percent inflation.

Samantala, nagtala ng mas mabilis na pagtaas ng presyo nitong Disyembre 2024 ang mga sumusunod na commodity groups:
     • Health, na may 3.4 percent inflation;
     • Transport, na may 3.6 percent inflation; at
     • Recreation, Sports, and Culture, na may 3.3 percent inflation.

Nanatili naman sa kanilang antas ng inflation noong Disyembre 2024 ang mga sumusunod:
     • Clothing and Footwear, na may 7.2 percent inflation;
     • Information and Communication, na may -0.1 percent inflation;
     • Education Services, na may 2.7 percent inflation;
     • Restaurants and Accommodation Services, na may 0.8 percent inflation; at
     • Financial Services, na may zero percent inflation.
 

Inflation Rates for the Provinces in Bicol Region (All Income)

Ang pinakamataas na inflation sa mga probinsya sa Bicol Region nitong Disyembre 2024 ay naitala sa Masbate na may 3.5 percent inflation, mula sa 3.4 percent inflation noong Nobyembre 2024. Samantala, ang pinakamababang inflation sa mga probinsya sa Bicol Region nitong Disyembre 2024 ay naitala sa Sorsogon na may 1.4 percent inflation, mula sa 2.0 percent inflation noong Nobyembre 2024.

Kung ihahambing sa inflation na naitala sa mga probinsya sa Bicol Region noong Disyembre 2024, dalawang probinsya ang nagtala ng mabilis na pagtaas ng inflation rates nitong Disyembre 2024. Ito ang:
     • Camarines Norte, na may 2.3 percent inflation; at
     • Masbate, na may 3.5 percent inflation.

Samantala, apat na probinsya ang nagtala ng mabagal na pagtaas ng inflation rate.
     • Albay, na may 2.7 percent inflation;
     • Camarines Sur, na may 2.1 percent inflation;
     • Catanduanes, na may 3.1 percent inflation; at
     • Sorsogon, na may 1.4 percent inflation.
 

Ang CPI ay isang sukatan ng mga pagbabago ng antas ng presyo ng mga produkto at serbisyo na binibili ng karamihan sa mga tao para sa kanilang pang-araw-araw na pagkonsumo.

Resumption of NID Registration

National ID Registration Reinstitutes in Local Government Unit-based Registration Centers in Camarines Sur

Consumer Price Index Press Release December 2024

Ang headline inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa probinsya ng Camarines Sur ay bumagal sa antas na 2.1 percent nitong Disyembre 2024, mula sa antas na 3.9 percent…

Consumer Price Index Press Release November 2024

Headline Inflation sa Camarines Sur, bumagal sa antas na 3.9 percent nitong Nobyembre 2024 Ang headline inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa probinsya ng Camarines Sur…