Skip to main content
Release Date :
Reference Number :
2024-010

Headline Inflation sa Camarines Sur, bumilis sa antas na 5.1 percent nitong Oktubre 2024

Ang headline inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa probinsya ng Camarines Sur ay bumilis sa antas na 5.1 percent nitong Oktubre 2024, mula sa antas na 4.6 percent inflation noong Setyembre 2024, at 4.2 percent naman noong Oktubre 2023. Ang average inflation mula Enero 2024 hanggang Oktubre 2024 ay naitala sa antas na 4.3 percent.

Ang Bottom 30% Income Households ay nagtala ng 7.8 percent Inflation mula sa antas na 7.0 percent Inflation noong Setyembre 2024, at 2.1 percent Inflation noong Oktubre 2023. (Figure 1, and Table 1).

Major Source  of Acceleration of the October 2024 Inflation

Ang pangunahing dahilan ng mas mataas  na antas ng inflation nitong Oktubre 2024 kaysa noong Setyembre 2024 ay ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng Food and Non-Alcoholic Beverages. Ito ay nagtala ng 5.4 percent inflation, at 63.4 percent share sa pagtaas ng pangkalahatang inflation sa probinsya. Ang nag-ambag sa pagtaas ng inflation ng Food and Non-Alcoholic Beverages ay ang mas mabilis na pagtaas ng Vegetables, Tubers, Plantains, Cooking Bananas and Pulses na may -14.0 percent inflation mula -22.5 percent inflation noong Setyembre 2024.

Ang pangalawang dahilan ng mas mataas na antas ng inflation nitong Oktubre 2024 kaysa noong Setyembre 2024 ay ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng Housing, Water, Electricity, Gas and Other Fuels. Ang commodity group na ito ay nagtala ng 8.4 percent inflation at 33.4 percent share sa pagtaas ng pangkalahatang inflation sa probinsya. Ang nag-ambag ng malaki sa pagtaas  ng inflation para sa commodity group na ito ay ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng ng Kuryente na may 59.8 percent inflation mula sa 49.1 percent inflation noong Setyembre 2024.

Ang pangatlong dahilan ng mas mataas na antas ng inflation nitong Oktubre 2024 kaysa noong Setyembre 2024 ay ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng Transport na nagtala ng 4.6 percent inflation at 2.8 percent share sa pagtaas ng pangkalahatang inflation sa probinsya. Ang nag-ambag ng malaki sa pagtaas ng Transport ay ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng Operation of Personal Transport Equipment, particular ang Fuels and lubricants for personal transport equipment na may -14.4 percent inflation mula -15.7 percent inflation noong Setyembre 2024.

Major  Contributor to the October 2024 Inflation

Pagdating sa overall inflation nitong Oktubre 2024, ang pangunahing commodity group na nag-ambag sa antas ng inflation ay ang Food and Non-Alcoholic Beverages na may 5.4 percent inflation at 47.6 percent share.

Ang mga pangkat ng pagkain na pangunahing nag-ambag sa inflation ng Food and Non-Alcoholic Beverages ay ang mga sumusunod:
     • Cereals and Cereal Products, 14.0 percent inflation, particular dito ang bigas;
     • Meat and others, 6.3 percent inflation, particular ang karne ng baboy; at
     • Fish and other seafood, na may 3.8 percent inflation.

Ang pangalawang commodity group na may pinakamalaking ambag sa pangkalahatang inflation nitong Oktubre 2024 ay ang Housing, Water, Electricity, Gas and Other Fuels na may 8.4 percent inflation at 32.5 percent share. Ang pangunahing nag-ambag sa inflation ng Housing, Water, Electricity, Gas and Other Fuels ay ang Kuryente na may 59.7 percent inflation mula sa 49.2 percent inflation noong Setyembre 2024.

Ang Transport ang pangatlo sa may pinakamalaking ambag sa pangkalahatang inflation nitong Oktubre 2024. Ang commodity group na ito ay nagtala ng 4.6 percent inflation at 6.1 percent share sa pangkalahatang inflation. Ang pangunahing nag-ambag sa inflation ng Transport ay ang Passenger transport by road, na may 13.5 percent inflation.

Inflation Rate by Major Commodity Groups

Sa labintatlong (13) commodity groups, apat ang nagpakita ng mas mabilis na pagtaas ng inflation nitong Oktubre 2024. Ito ay ang mga sumusunod:
     • Food and Non-Alcoholic Beverages, na may 5.4 percent inflation;
     • Alcoholic Beverages and Tobacco, na may 3.0 percent inflation; 
     • Housing, Water, Electricity, Gas and Other Fuels, na may 8.4 percent inflation; at
     • Transport, na may 6.5 percent inflation.

Samantala, nagtala ng mas mabagal na pagtaas ng presyo nitong Oktubre 2024 ang mga sumusunod na commodity groups: 
    • Furnishings, Household Equipment and Routine Household Maintenance, na may 1.1 percent inflation; 
     • Health, na may 2.8 percent inflation; 
     • Information and Communication, na may 0.3 percent inflation; 
     • Recreation, Sports, and Culture, na may 3.3 percent inflation; at
     • Personal Care, and Miscellaneous Goods and Services, na may 2.3 percent inflation

Nanatili naman sa kanilang antas ng inflation noong Oktubre 2024 ang mga sumusunod:
     • Clothing and Footwear, na may 7.7 percent inflation;
     • Education Services, na may 2.7 percent inflation; 
     • Restaurants and Accommodation Services, na may 0.8 percent inflation; at 
     • Financial Services, na may zero percent inflation.

Inflation Rates for the Provinces in Bicol Region (All Income)

Ang pinakamataas na inflation sa mga probinsya sa Bicol Region nitong Oktubre 2024 ay naitala sa Camarines Sur na may 5.1 percent inflation, mula sa 4.6 percent inflation noong Setyembre 2024. Samantala, ang pinakamababang inflation sa mga probinsya sa Bicol Region nitong Oktubre 2024 ay naitala sa Camarines Norte na may 0.9 percent inflation, mula sa 0.3 percent inflation noong Setyembre 2024.

Kung ihahambing sa inflation na naitala sa mga probinsya sa Bicol Region noong Oktubre 2024, apat probinsya ang nagtala ng mabilis na pagtaas ng inflation rates nitong  Oktubre 2024. Ito ang:
     • Albay, na may 2.9 percent inflation; 
     • Camarines Norte, na may 0.9 percent inflation;
     • Camarines Sur, na may 5.1 percent inflation; 
     • Catanduanes, na may 3.2 percent inflation; at
     • Masbate, na may 3.0 percent inflation.

Samantala, ang inflation rate ng probinsya ng Masbate ay nanitili sa antas na 3.9 percent.

Ang CPI ay isang sukatan ng mga pagbabago ng antas ng presyo ng mga produkto at serbisyo na binibili ng karamihan sa mga tao para sa kanilang pang-araw-araw na pagkonsumo.

Summary Inflation Report Consumer Price Index for All Income Households in Masbate: December 2024 (2018 = 100)

Masbate’s headline inflation rate jumped to 3.5 percent from 3.4 percent in November 2024. Between December 2023 and December 2024, the highest recorded inflation rate occurred in July 2024, while…

CONSUMER PRICE INDEX FOR ALL INCOME HOUSEHOLDS IN CATANDUANES DECEMBER 2024 (2018=100)

The province’s headline inflation or overall inflation decreased to 3.1 percent in December 2024 from 3.5 percent in November 2024. This brings the provincial average inflation from January to…

Consumer Price Index for All Income Households in Region V December 2024

Headline Inflation The region’s headline inflation or overall inflation slowed down to 2.4 percent in December 2024 from 3.2 percent in November 2024. In December 2023, the inflation rate was…