Headline Inflation sa Camarines Sur, bumagal sa antas na 3.9 percent nitong Nobyembre 2024
Ang headline inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa probinsya ng Camarines Sur ay bumagal sa antas na 3.9 percent nitong Nobyembre 2024, mula sa antas na 5.1 percent inflation noong Oktubre 2024, at 4.4 percent naman noong Nobyembre 2023. Ang average inflation mula Enero 2024 hanggang Nobyembre 2024 ay naitala sa antas na 4.3 percent.
Ang Bottom 30% Income Households ay nagtala ng 5.3 percent Inflation mula sa antas na 7.8 percent Inflation noong Oktubre 2024, at 2.7 percent Inflation noong Nobyembre 2023. (Figure 1, and Table 1).
Major Source of Deceleration of the November 2024 Inflation
Ang pangunahing dahilan ng mas mababang antas ng inflation nitong Nobyembre 2024 kaysa noong Oktubre 2024 ay ang mas mabagal na pagtaas ng presyo ng Housing, Water, Electricity, Gas and Other Fuels. Ito ay nagtala ng 2.9 percent inflation, at 84.4 percent share sa pangkalahatang inflation sa probinsya. Ang nag-ambag sa pagbaba ng inflation ng Housing, Water, Electricity, Gas and Other Fuels ay ang mas mabagal na pagtaas ng Kuryente na may -2.9 percent inflation mula 8.4 percent inflation noong Oktubre 2024.
Ang pangalawang dahilan ng mas mababa na antas ng inflation nitong Nobyembre 2024 kaysa noong Oktubre 2024 ay ang mas mabagal na pagtaas ng presyo ng Transport. Ang commodity group na ito ay nagtala ng 2.2 percent inflation at 4.6 percent share sa pagtaas ng pangkalahatang inflation sa probinsya. Ang nag-ambag ng malaki sa pagtaas ng inflation para sa commodity group na ito ay ang mas mabagal na pagtaas ng presyo ng Passenger Transport Services na may 7.5 percent inflation mula sa 13.5 percent inflation noong Oktubre 2024.
Ang pangatlong dahilan ng mas mababa na antas ng inflation nitong Nobyembre 2024 kaysa noong Oktubre 2024 ay ang mas mabagal na pagtaas ng presyo ng Clothing and Footwear na nagtala ng 7.2 percent inflation at 1.3 percent share sa pagtaas ng pangkalahatang inflation sa probinsya. Ang nag-ambag ng malaki sa pagtaas ng Clothing and Footwear ay ang mas mabagal na pagtaas ng presyo ng Clothing, particular ang Garments for women or girls na may 13.4 percent inflation mula 15.2 percent inflation noong Oktubre 2024.
Major Contributor to the November 2024 Inflation
Pagdating sa overall inflation nitong Nobyembre 2024, ang pangunahing commodity group na nag-ambag sa antas ng inflation ay ang Food and Non-Alcoholic Beverages na may 5.5 percent inflation at 62.7 percent share.
Ang mga pangkat ng pagkain na pangunahing nag-ambag sa inflation ng Food and Non-Alcoholic Beverages ay ang mga sumusunod:
• Cereals and Cereal Products, 6.2 percent inflation, particular dito ang bigas;
• Meat and other parts of slaughtered land animals, 7.4 percent inflation, particular ang karne ng baboy; at
• Fish and other seafood, na may 7.6 percent inflation.
Ang pangalawang commodity group na may pinakamalaking ambag sa pangkalahatang inflation nitong Nobyembre 2024 ay ang Housing, Water, Electricity, Gas and Other Fuels na may 2.9 percent inflation at 14.5 percent share. Ang pangunahing nag-ambag sa inflation ng Housing, Water, Electricity, Gas and Other Fuels ay ang Kuryente na may 15.5 percent inflation mula sa 59.7 percent inflation noong Oktubre 2024.
Ang Clothing and Footwear ang pangatlo sa may pinakamalaking ambag sa pangkalahatang inflation nitong Nobyembre 2024. Ang commodity group na ito ay nagtala ng 7.2 percent inflation at 5.9 percent share sa pangkalahatang inflation. Ang pangunahing nag-ambag sa inflation ng Clothing and Footwear ay ang Damit, na may 9.2 percent inflation.
Inflation Rate by Major Commodity Groups
Sa labintatlong (13) commodity groups, anim ang nagpakita ng mas mabagal na pagtaas ng inflation nitong Nobyembre 2024. Ito ay ang mga sumusunod:
• Alcoholic Beverages and Tobacco, na may 3.0 percent inflation;
• Clothing and Footwear, na may 7.2 percent inflation;
• Housing, Water, Electricity, Gas and Other Fuels, na may 2.9 percent inflation;
• Transport, na may 2.2 percent inflation;
• Information and Communication, na may -0.1 percent inflation; at
• Recreation, Sports, and Culture, na may 3.2 percent inflation.
Samantala, nagtala ng mas mabilis na pagtaas ng presyo nitong Nobyembre 2024 ang mga sumusunod na commodity groups:
• Food and Non-Alcoholic Beverages, na may 5.5 percent inflation;
• Furnishings, Household Equipment and Routine Household Maintenance, na may 2.7 percent inflation;
• Health, na may 3.2 percent inflation; at
• Personal Care, and Miscellaneous Goods and Services, na may 2.7 percent inflation
Nanatili naman sa kanilang antas ng inflation noong Nobyembre 2024 ang mga sumusunod:
• Education Services, na may 2.7 percent inflation;
• Restaurants and Accommodation Services, na may 0.8 percent inflation; at
• Financial Services, na may zero percent inflation.
Inflation Rates for the Provinces in Bicol Region (All Income)
Ang pinakamataas na inflation sa mga probinsya sa Bicol Region nitong Nobyembre 2024 ay naitala sa Camarines Sur na may 3.9 percent inflation, mula sa 5.1 percent inflation noong Oktubre 2024. Samantala, ang pinakamababang inflation sa mga probinsya sa Bicol Region nitong Nobyembre 2024 ay naitala sa Camarines Norte na may 1.4 percent inflation, mula sa 0.9 percent inflation noong Oktubre 2024.
Kung ihahambing sa inflation na naitala sa mga probinsya sa Bicol Region noong Nobyembre 2024, tatlong probinsya ang nagtala ng mabilis na pagtaas ng inflation rates nitong Nobyembre 2024. Ito ang:
• Albay, na may 3.3 percent inflation;
• Camarines Norte, na may 1.4 percent inflation; at
• Catanduanes, na may 3.5 percent inflation.
• Camarines Sur, na may 5.1 percent inflation;
• Masbate, na may 3.0 percent inflation.
Samantala, ang inflation rate ng probinsya ng Camarines Sur at Masbate ay naitala sa antas na 3.9 percent at 3.5 percent inflation.
Ang CPI ay isang sukatan ng mga pagbabago ng antas ng presyo ng mga produkto at serbisyo na binibili ng karamihan sa mga tao para sa kanilang pang-araw-araw na pagkonsumo.